Manila, Philippines – Humigit kumulang 75 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng magkakasamang puwersa ng Bureau of Custom (BOC) at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA habang nahuli ang apat na suspek.
Kinilala ni Customs Commissioner Isidro Lapeña ang apat na inaresto na sina Dolores Dela Cruz Lintag, Melchor Robelles Corocoto, Wilkiam Ibanez Dela Piza at Daniel Roberts Andrada.
Hinuli ang apat na suspek sa aktong tinatanggap ang mga kontrabando na naka-consign sa mga kina Arthur Santiago, Mariloy Fabi Mendez at Mark Fojas.
Kaugnay nito, pinuri ni Lapeña District Collector Lilibeth Sandag ng Port of Clark dahil sa maigting na pagmamatyag sa mga sangkot sa illegal na aktibidad.
Magpapalabas ng Warrant of Seizure and detention ang Office of the District Collector ng Port of Clark para sa pagkakakumpiska ng kontrabando na paglabag sa Republic Act 10863 o ang Customs Modernization and Tariff Act at Section 5, Article II ng RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.