Manila, Philippines – Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P58 milyong halaga ng mga beauty products mula sa South Korea na tinangkang ipuslit sa Manila International Container Port.
Na-intercept ng mga otoridad ang kargamento matapos itong dumaan sa x-ray machines kung saan naka-consignee sa Skadi Trading ang dalawa sa apat na container mula sa South Korea habang ang iba pang dalawang container na mula China ay naka-consignee sa Hemopian Trading.
Nabatid na misdeclaration, walang kaukulang permit, walang sanitary at phytosanitary import clearance at paglabag sa Intellectual Property Act of the Philippines ang kakaharapin ng consignees.
Bukod sa mga beauty products, nasabat din sa sa iba pang container ang mga pekeng relo, pabango, cellphone batteries, damit wallet, pekeng bag, calculator at iba pa.