HINARANG | Australian professor na nagtangkang pumasok sa bansa pinigil ng BI

33

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang isang Australian professor at raliyista na nagtangkang pumasok sa bansa.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval, ang suspek ay kinilalang si Gill Hale Boehringer na galing sa Guangzhou, China.

Si Boehringer ay subject umano ng order na inisyu noong nakaraang taon at mahigpit itong pinagbabawalang makapasok sa bansa.

Paliwanag ni Sandoval na sumali si Boehringer sa rally noong November 2015 na malinaw umanong paglabag sa BI Operations Order na nagbabawal sa mga banyagang makisali sa mga political activities dito sa Pilipinas.

Dagdag ni Sandoval, maaaring isama sa blacklist ang mga banyagang nakikilahok sa mga protesta para sa kaligtasan ng publiko.

Matatandaang pinapa-deport na ng BI ang Australyanong madre na si sister Patricia Fox dahil sa pagsali nito sa mga political rally sa bansa.

Facebook Comments