KUMPISKADO | Mga pampaputing produkto na masama sa kalusugan, nakumpiska ng FDA

Manila, Philippines – Nakasabat ang mga tauhan ng Food and Drug Administration (FDA) ng GOREE skin-whitening products na kanilang ipinagbawal simula pa noong Oktubre nang nakalipas na taon.

Ang nasabing produkto ay nagtataglay ng mataas na lebel ng mercury na lubhang masama sa kalusugan nang sinumang gagamit nito.

Nagkakahalaga ang mga nakumpiskang produkto ng P96,000 na nasamsam sa isang mall sa Binondo.


Una nang nagpalabas ng advisory ang FDA laban sa paggamit ng GOREE Day & Night Whitening Cream Oil Free, GOREE Beauty Cream with Lycopene with SPF 30 Avocado & Aloe Vera cosmetic products .

Nabatid na ang paggamit ng mga nabanggit na produkto na may mataas na mercury content ay maaaring magdulot ng kidney damage, skin damage at discoloration.

Ang mga may-ari ng tindahan na nahulihan ng ilegal na produkto ay ipaghaharap ng paglabag sa Republic Act No. 9711 or Food and Drugs Administration Act of 2002.

Facebook Comments