NANINDIGAN | Pangulong Duterte, iginiit na pangunahing kalaban pa rin ng bansa ang kriminalidad, katiwalian at ilegal na droga

61

Manila, Philippines – Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na may mga bagong kalaban na naman na kinahaharap ng bansa.

Ayon sa Pangulo, ito ay problema sa kahirapan, katiwalian at ilegal na droga.

Aniya, ginawa niyang personal na misyon ang paglutas sa mga problema sa bansa partikular sa katiwalian at ilegal na droga.

Sa katunayan aniya ay marami na siyang opisyal na sinibak at sisibakin pa dahil sa katiwalian.

Sabi pa ni Duterte, wala siyang ibang hinangad kung di mamuhay ng komportable ang mga Pilipino.

Facebook Comments