KUMPISKADO | Mga processed food product, nasabat sa Maynila

15

Manila, Philippines – Mahigit P30,000 halaga ng mga processed food product ang nasabat ng Food and Drug Administration (FDA) at National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Maynila.

Miyerkules ng hapon nang salakayin ng mga awtoridad ang tatlong magkakahiwalay na tindahan sa Villalobos corner Palacana Street sa Quiapo.

Nadiskubreng binago ang mga expiration date mula sa orihinal na petsa ng produkto.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga produktong keso de bola, cheese mix, margarin, kape at chicken spread.

Facebook Comments