HOLDUP | Isang branch ng remittance company, nilooban

Taguig City – Nilooban ang isang branch ng Cebuana Lhuillier sa Barangay Pinagsama, Taguig City.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagpanggap na customer ang suspek.

Pero makalipas ang ilang minuto, lumabas ang suspek at tinawag ang kaniyang kasabwat.


Dito ay tinutukan nila ng baril ang gwardya at dinisarmahan saka nagdeklara ng hold-up.

Nakatago naman ang mga kahera ng sanlaan kaya ang mga customer nito ang mga nanakawan.

Nakuha ng mga suspek ang mga cellphone, ATM card at P7,000 cash.

Facebook Comments