Manila, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Health (DOH) na mababa ang bilang ng mga mabibiktima ng paputok ngayong holiday season.
Ito ay matapos ipag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine National Police (PNP) ang istriktong pagpapatupad ng mga batas na nagre-regulate ng manufacture, distribution, pagbebenta at paggamit ng firecrackers at pyrotechnic devices, sa pamamagitan ng inisyung Memorandum Order 31 na nilagdaan nitong October 29.
Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III – malaki ang tulong ng memoranda at palalakasin nito ang kanilang kampanya na maabot ang zero firecracker-related injuries.
Pinayuhan ng DOH ang publiko na gumamit ng alternatibong pampaingay kasabay ng pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.
Facebook Comments