Manila, Philippines – Hindi nababahala ang Malacañang sa 6.7 percent inflation rate nitong Oktubre.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi naman na kasi tumaas ang inflation noong nakaraang buwan.
Gayunman, hindi aniya ibig sabihin nito na magpapakampante na ang gobyerno.
Sabi ni Panelo, ginawa nila ang lahat partikular ang economic team para maibsan ang epekto ng inflation.
Maituturing pa rin naman aniyang stable ang presyo ng mga bilihin lalo na ang produktong pagkain bunsod ng pagdami ng supply sa merkado.
Facebook Comments