Kumpiyansa ng mga Pinoy na magkakaroon ng trabaho sa susunod na 12 buwan, bumaba

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwalang maraming trabaho ang magbubukas sa susunod na 12 buwan.

Base sa first quarter survey ng Social Weather Stations (SWS), humina ng dalawang puntos ang pananaw ng mga Pilipino na magkakaroon ng maraming trabaho sa susunod na 12 buwan, mula sa dating 52% noong December 2018 survey ay 50% na lamang ngayon.

Tumaas naman ang pananaw ng mga Pilipinong nagsasabing kakaunti ang trabaho na available sa susunod na 12 buwan, mula sa 12% noong December 2018 ay nasa 13% na.


Ang mga nagsasabi naman na walang pagbabago sa job availability ay tumaas ng tatlong puntos, mula 22% noong Disyembre ay 25% na nitong Marso.

Nagresulta ito ng job availability net optimism na +37 o “very high” rating, mababa kumpara sa +40 o “excellent” noong December 2018.

Isinagawa ang survey mula March 28 hanggang 31 sa 1,440 respondents.

Facebook Comments