Manila, Philippines – Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga miyembro ng Asian Development Bank (ADB) na ipagpatuloy ang pagpapahiram (LEND) sa Pilipinas para mapursige nito ang pag-angat ng ekonomiya sa mga susunod na taon.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa 51st ADB Annual Meeting Host Dinner kahapon.
Ayon sa Pangulo – kumpiyansa siya pagdating sa ecomonic viability ng bansa.
Inilarawan niya ang bansa na nais makasama sa ‘economic dragons’ ng asya.
Patuloy na aasa aniya ang Pilipinas sa ADB para sa tulong pinansyal sa pamamagitan ng loans at grants.
Nangako si Duterte na mailapit pa ang Pilipinas sa pagnenegosyo o business viable.
Facebook Comments