KUMPLETO NA | Phase 2 sa proyektong tulay ng DPWH sa Zamboanga Sibugay, tapos na

Zamboanga Sibugay – Inihayag ngayon ng Department of Public Works and Highway (DPWH) na nakumpleto na nila ang Second Phase ng tulay na magbibinipisyo ay ang maliit na isla ng barangay sa munisipalidad ng Naga, Zamboanga Sibugay.

Ayon kay DPWH Region 9 Director Jorge Sebastian Jr. 500 residente ng Barangay Kaliantana ang mapapabilis ang pagdala ng mga kalakal kapag nakumpleto na ang pagkukumpuni ng Phase 3 ng proyekto.

Paliwanag ni Sebastian ng proyekto ay nasa ilalim ng Payak at Masaganang Pamayanan o PAMANA kabilang na dito ang konstruksyon ng konkretong tulay na magdudugtong mula Barangay Kaliantan patungo sa Barangay Baluno.


Dagdag ni Sebastian ang Barangay Kaliantan ay may 440 Metro ang layo mula kabayanan at ito ay nararating lamang sa pamamagitan ng maliliit na bangka pero sa ngayon ay mabilis ng nakakarating ang mga residente sa pamamagitan ng transportasyon.

Ang Phase 1 at 2 ng naturang proyekto ay pinondohan ng 100 milyong piso ng DPWH Region 9.

Facebook Comments