WEATHER UPDATE | Ilang bahagi ng bansa, uulanin

Manila, Philippines – Bagama’t walang namo-monitor na Low Pressure Area, uulanin pa rin ang Eastern section ng bansa bunsod ng easterlies.

Kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang mararanasan sa Cagayan Valley Region, Bicol, Caraga, Eastern at Central Visayas, Northern Mindanao, Davao, Aurora at Quezon Province.

Dahil dito, kanselado ngayong araw ang biyaheng 5j 321/ 322 o Manila – Legaspi – Manila at flights 5j 106/ 107 o Manila – Tuguegarao – Manila ng Cebu Pacific.


Pinapayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa refund ng pamasahe o rebooking ng flight.

Samantala, magiging maaliwalas naman ang panahon sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.

Facebook Comments