Manila, Philippines – Kumpyansa ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na maayos ni dating AFP Chief of staff General at MARINA Administrator Leonardo Guerrero ang Bureau of Customs.
Ito ay matapos na italaga ito ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang pinuno ng BOC kapalit ni Isidro Lapena na itinalaga naman bilang TESDA administrator.
Ayon kay AFP Chief of staff General Carlito Galvez, tapat sa trabaho, matalino at sobrang istrikto na may puso sa bawat ginagawa si Guerrero.
Naniniwala aniya siyang sa pagiging maayos na lider at karanasan nito mababago ang mga maling kalakakara sa bureau of customs.
Noong panahon aniyang AFP Chief of Staff ito libo libong rebelde ang napasuko ng opisyal.
Sinegundahan naman ni PNP Spokesperson Police Chief Supt. Benigno Durana ang sinabi ni Galvez.
Aniya malaking tulong sa pagrereporma sa BOC ang karanasan ni ni Guerrero sa AFP at sa security sector.
Sa susunod na Linggo ay magsisimula na si Guerrero sa kanyang panunungkulan bilang bagong pinuno ng BOC, ang kotrobersyal na ahensya ngayon dahil sa mga pagkakasangkot sa transaksyon ng iligal na droga.