KUMPYANSA | Build Build Build Program sa Mindanao, hindi maaapektuhan ng Martial Law

Manila, Philippines – Kumpyansa si Davao del Norte Rep. Antonio Floirendo na hindi maaapektuhan ng pagpapalawig ng martial law ang konstruksyon ng infrastructure projects sa Mindanao sa ilalim ng Build, Build, Build Program sa ilalim ng Duterte administration.

Ayon kay Floirendo, tinitiyak ng Batas-Militar ang kaunlaran sa rehiyon lalo’t sinisimulan na ang mga proyekto sa iba’t ibang lalawigan gaya ng tulay, kalsada, pantalan, at train system pati na ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Panahon na rin aniya para magkaisa ang mamamayan, local government units at law enforcers para sugpuin ang terorismo sa Mindanao.


Pinatatapyasan naman ni Iligan City Representative Frederick Siao ng 30% sa mga awtoridad ang banta ng lawless elements at dapat umanong pulbusin na ang mga ito bago matapos ang taon.

Paliwanag ni Siao, ito na ang huling beses na pagbibigyan ng Kongreso ang pagpapalawig sa Martial Law dahil kapag humirit na naman ang gobyerno ay magiging malamig na rito ang mga mambabatas.

Mababatid na pinalawig ang Batas-Militar hanggang sa December 31, 2019 kung saan ilan sa mga babantayan ay ang gaganaping halalan sa Mayo at ang plebisito para sa Bangsamoro Organic Law.

Facebook Comments