KUMPYANSA | Kamara, tiwalang pasado sa constitutionality ang inaprubahang BBL

Manila, Philippines – Malaki ang kumpyansa ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na papasa sa constitutionality test ang inaprubahang Bangsamoro Organic Law ng Bicameral Conference Committee.

Ayon kay Fariñas, naging maingat sila sa mga inilagay na probisyon para hindi makuwestyon ang constitutionality nito.

Ito aniya ang dahilan kung bakit hindi nila inilagay sa BBL ang lahat ng gusto ng Bangsamoro Transition Commission o BTC.


Hindi umano nila pinayagan ang hiling ng BTC sa usapin ng teritoryo para sa Bangsamoro Region partikular ang pagsama sa anim na bayan ng Lanao del Norte at 39 na barangay ng North Cotabato na kapag pumabor ang mga residente sa lugar ay agad sila mapapabilang sa Bangsamoro Region.

Labag umano sa saligang batas ang ganitong paraan ng pagboto sapagkat ang dapat na bumoto sa plebesito ay lahat ng mga maapektuhan.

Gayunman sa huli ay tinanggap naman ng BTC ang kanilang naging pasya sa mga hindi pinagkasunduang mga probisyon.

Facebook Comments