KUMPYANSA | Sen. Sotto, tiwalang hindi itataboy ng TRAIN 2 ang mga negosyante

Manila, Philippines – Kumpyansa si Senate President Tito Sotto III na hindi magtataboy ng mga negosyante ang ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN 2.

Tiwala si Sotto na sa halip lumayas ay baka madagdagan pa ang mga negosyanteng mamumuhunan sa bansa dahil sa TRAIN 2.

Paliwang ni Sotto, maraming mga probisyon sa TRAIN 2 ang makakabuti lalo na sa mga small and medium enterprises.


Ayon kay Sotto, ibababa ng TRAIN 2 ang buwis na binabayaran ng mga negosyante kaya mas malaki ang kanilang kikitain.

Maganda rin para kay Sotto na maisaayos ang tax incentives na ipinagkakaloob ngayon sa mga malalaking korporasyon na hindi naman napapakinabangan o napupunta sa kaban ng bayan.

Facebook Comments