KUMPYANSA | SGMA, tiwala sa kakayahan ni Davao City Rep. Karlo Nograles

81

Manila, Philippines – Tiwala si House Speaker Gloria Arroyo sa pagkakatalaga ni Davao City Rep. Karlo Nograles na bagong Cabinet Secretary ng Duterte administration kapalit ni dating Cab.Sec. Leoncio Evasco Jr.

Ayon kay Speaker Arroyo, tiyak na maayos na magagawa ni Nograles ang kanyang bagong tungkulin sa pamahalaan.

Malaki din ang kumpyansa ni SGMA sa kakayahan ni Nograles at naniniwala itong magiging napakahalagang myembro ng dating kongresista sa team ng Pangulo.

Samantala, nagpasalamat naman si Nograles sa pagpili at sa oportunidad na ibinigay sa kanya ni Pangulong Duterte bilang bagong Cabinet Secretary.

Nangako ang dating kongresista na gagamitin niya ang kanyang karanasan at kaalaman para makapag-lingkod sa gobyerno lalo na noong ito pa ay Chairman ng House Committee on Appropriations.

Dagdag pa ni Nograles, itutulak niya ang mga mga development agenda ng administrasyon partikular na sa mga economic opportunities at development efforts para sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Si Nograles ay nasa ikatlong termino na sa Kongreso at binalak na tumakbo sa pagka-Senador pero hindi na rin nito itinuloy ilang araw bago ang paghahain ng Certificate Of Candidacy.

Facebook Comments