NAGALAK | DOT, ikinatuwa ang kooperasyon ng mga establisyimento sa Boracay

66

Aklan – Ilang araw matapos muling buksan ang Isla ng Boracay sa mga turista, nagpahayag ngayon ng pagkagalak si Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat kaugnay sa kooperasyon ng mga establisyimento sa Boracay.

Ayon sa kalihim, mismong ang mga ito na ang nagsusumbong sa mga otoridad tuwing may mga pasaway o may mga ginagawang paglabag ang mga kasamahan nilang establishment owners, na una nang binigyan ng accreditation ng DOT.


Ayon pa kay Puyat, agad namang sumusunod ang mga ito sa oras na sitahin o pagsabihan sila.

Sa kasalukuyan, wala pa aniya silang napagmumulta, dahil sumusunod naman ang mga ito sa warning na kanilang ibinibigay.

Ngunit, kung darating aniya ang pagkakataon na paulit- ulit na ang pagiging pasaway ng mga ito, hindi aniya sila magdadalawang isip na bawiin ang accreditation na una nang ipinagkaloob sa mga ito.

Facebook Comments