Manila, Philippines – Nilinaw ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi pa tatanggalin ng bansa ang total deployment ban sa Kuwait.
Ito ay sa kabila ng pagkakahuli sa dalawang suspek na umano’y pumatay kay Joanna Demafelis.
Ayon kay Labor Secretary Silvestr Bello III, gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan muna ng hustisya ang pagkamatay ni Joanna bago pag-usapan ang isyu na i-lift na ang deployment ban.
Tututukan din aniya ng pamahalaan ang pag-usad ng kaso ng dalawang suspek kung may paglilitis na isasagawa ang bansang Kuwait.
Kasabay nito, ipinag-utos na rin ni Duterte na arestuhin ang recruiter ni Demafelis para maimbestigahan.
Maalang naaresto na ang dalawang employer ni Demafelis na sina Nader Essam Assaf, Lebanese national at asawang si Mona Hassoun na isang Syrian.
Sa nakalap na impormasyon ni Secretary Bello, sinabi nito na itinuturo raw ni Assaf ang kanyang asawang si Mona na siyang nang-torture kay Demafelis bago ilagay sa freezer.