Kundoktor ng Isang Bus, Arestado sa Panghihipo!

*Tumauini, Isabela-* Arestado ang isang kundoktor ng bus matapos manghipo sa isang babaeng pasahero sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Kinilala ang suspek na si June Asio, kwarentay kwatro anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Rang-Ay, Cabatuan, Isabela habang ang biktima naman ay itinago sa pangalang Joan Marie, disi otso anyos at residente naman ng Tumauini, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, Nagising umano ang biktima habang ito ay bumabyahe nang mapansing hinahawakan ng kundoktor ang kanyang hita at balakang maging sa pribadong bahagi ng kanyang likod.


Itinext lamang umano ng biktima sa kanyang tita ang panghihipo ng kundoktor na agad namang itinawag sa PNP Tumauini upang humingi ng tulong.

Nang makarating ang sinakyang bus ng biktima sa bayan ng Tumauini ay dito na inaresto ng kapulisan si June Asio.

Dinala na sa PNP Tumauini ang suspek at nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness.

Facebook Comments