Mga Aroganteng Tanod ng Brgy. District 1- Cauayan City,Pinabulaanan ni Brgy. Capt. Esteban Uy!

*Cauayan City, Isabela- *Pinabulaanan ni Punong Barangay Esteban Uy ng District 1, Cauayan City na hindi umano totoo ang mga paratang na arogante ang kanyang mga Tanod sa pagsasagawa ng kanilang mga responsibilidad sa kanilang nasasakupan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Brgy. Captain Uy, na hindi umano magiging arogante ang kanyang mga Tanod dahil lagi umano nitong pinapaalalahan na gawin lamang nila ng tama at maayos ang kanilang mga trabaho.

Tuloy lamang umano ang kanilang pagpapatupad sa Curfew hours at Oplan Tambay sa kanilang nasasakupan maging ang pagpapatupad sa tamang paghihiwalay ng mga basura sa pangunguna ng kanilang mga Solid Waste Enforcement Patrol Technician o SWEPT members.


Samantala, Handa na rin umano ang kanyang barangay na makiisa bukas, Hulyo, 20, 2018 para sa National Disaster Resilience Month bilang utos ng ating Punong Panlalawigan.

Facebook Comments