“Kung ayaw niyong sumunod, umalis kayo sa lungsod ng Maynila” – Mayor Isko Moreno on UE’s class suspension

Image via Facebook/Isko Moreno Domagoso | File photo

Nagbanta si Manila City Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ na kakanselahin ang permit ng University of the East (UE) kapag hindi sumunod sa kautusan nitong i-suspinde ang klase sa lahat ng antas sa buong Kamaynilaan.

Sinabi ito ni Moreno matapos makatanggap ng reklamong hanggang Grade 12 lamang ang kanseladong pasok sa UE.

Giit ng alkalde, dapat silang umalis sa Maynila kung hindi sila (UE) marunong makinig.


“University of the East, wag matigas ulo niyo ah. Nagdeklara na kami ng suspensyon ng klase. Ngayon, kung ayaw niyong sumunod, umalis kayo sa lungsod ng Maynila. We will withdraw your permit to operate in the City of Manila,” pahayag ni Moreno.

Alinsunod sa direksyon ng Manila City Local Government Unit (LGU), agad inanunsyo ng pamantasan ang kanselasyon ng pasok mula elementarya hanggang kolehiyo.

Facebook Comments