Manila, Philippines – Hindi maipapangako ng Philippine National Police na hindi na muling magiging madugo ang war on drugs sa bansa kung muli nila itong pangungunahan.
Ayon kay PNP Deputy Spokesperson Supt Vimelee Madrid kung nalalagay sa panganib ang buhay ng kanyang mga kabarong nagsasagawa ng anti-illegal drugs operation ay hindi sila magdadalawang isip na ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Paliwanag ni Madrid sa simula pa lamang ng kampanya ng pnp kontra iligal na droga mahigpit ang bilin ng kanilang pamunuan sa mga police operatives na nagsasagawa ng anti-illegal drugs operation na hanggat maari ay walang namamatay.
Pero kung manlalaban ay wala silang magagawa sa halip gumanti.
Ang pahayag na ito ng PNP ay kasunod ng naging pahayag rin ni pangulong rodrigo duterte na nais nya nang ibalik sa PNP ang pangunguna sa war on drugs ng gobyerno.
Sa ngayon ang Philippine Drugs Enforcement agency o PDEA ang nangunguna sa war on drugs ng pamahalaan.
Pero dahil sa dumarami umanong nagaganap na heinous crime sa bansa posible na itong mailipat sa PNP.