“Kung na-offend kayo, sorry. Pero sa mga batang ‘90s, alam nating matitibay mga dibdib natin.” – Chito Miranda

Image via Facebook/Parokya ni Edgar

PINASALAMATAN ni Chito Miranda, ang lead vocalist ng Parokya ni Edgar, ang lahat ng mga batang pinanganak o lumaki noong dekada ’90.

Flattered si Chito sa mga kabataaang hindi na-offend o nagalit sa kanilang grupo dahil sa kantang Silvertoes. Tuwang-tuwa siya na naging patok rin ito sa publiko. Inanunsyo niya ito sa kanilang gig nitong Sabado sa Makati City.

“Salamat hindi kayo na-offend sa song. Salamat na appreciate niyo ah.”, ani Chito.


Ayon pa sa lead singer ng banda, kung ngayon taon nila nilabas ang kanta, baka inaway na sila sa mga social media sites.

“Pare, could you imagine ilabas namin ngayon ‘yan? Yari kami sa Twitter. Iba na ang away ngayon. Pare, noong nilabas namin ‘yang kantang ‘yan noong 1998, pare, walang na-offend.

“Tayong mga batang ’90s, we don’t get offended by songs.”, dagdag pa niya.

Humingi din siya ng kapatawaran sa mga millenials ngayon na nasasaktan sa kanta. Pero para kay Chito matitibay ang dibdib ng mga batang 90s.

Narito ang ilan sa mga linya ng sikat na kanta noon:

“Hindi ko talaga ma-gets kung bakit ka ganyan
Ang feeling mo ay sabik sa iyo ang lahat nang kalalakihan
Sorry, pagpasensyahan mo na
Mali talaga ang iyong inaakala
Lahat kami ay nandidiri sa iyo
Ikaskas mo na sana ang mukha mo sa semento”

Panoorin ang kabuuan ng mensahe ni Chito Miranda sa ibinahaging video Facebook user John Castro:

 

 

 

Facebook Comments