Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagresponde ng gobyerno sa epekto ng bagyong Rosita.
Batid ng Pangulo ang malawakang pinsalang iniwan ng bagyo lalo na sa gusali ng DPWH sa Mountain Province na natabunan ng landslide.
Nakikita naman ng Pangulo na puspusan ang pagtatrabaho ng lahat para maibalik sa normal ang mga naapektuhan ng bagyo at napapasalamat siya rito.
Binanggit din ng Pangulo na nagpapatuloy ang pagsagip o pagrekober sa mga natitirang na-trap sa loob ng natabunang gusali.
Facebook Comments