Wala pa ring kuryente at bagsak pa rin ang linya ng komunikasyon sa ilang lugar sa bansa matapos ang paghagupit ng Bagyong Aghon.
Sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 36 na syudad at munisipalidad parin sa CALABARZON, MIMAROPA, Regions 2, 5 at 8 ang nakakaranas ng power interruption.
Mayroon sa bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon at Marinduque.
Samantala, hindi pa rin naibabalik ang linya ng komunikasyon sa Malibago, Marinduque at Pandan, Catanduanes.
Puspusan naman ang ginagawang pagkukumpuni ng power at communication team upang maibalik na ang nabanggit na mga serbisyo.
Sa ngayon, wala na ring nakararanas ng water interruption matapos maibalik ang serbisyo ng tubig sa Cavite at Camarines Sur.