Visayas – Isandaang porsiyento nang naibalik ang suplay ng kuryente sa tatlong probinsyang tinamaan ng 6.5 magnitude na lindol sa Visayas noong July 6.
Kabilang rito ang Leyte, Samar at Bohol.
Ito ay apat na araw bago ang itinakdang deadline ng Energy department sa July 31.
Pinuri naman ni DOE Secretary Alfonso Cusi ang lahat ng ahensyang nagtulong-tulong para agad na maibalik ang suplay ng kuryente.
Kahapon, matagumpay na naikabit ang 150mva transformer 2 sa Ormoc substation na ngayo’y nagsusuplay na ng kuryente sa mga nabanggit na probinsya.
Facebook Comments