Kuryente sa mga naapektuhan ni Usman, unti-unti nang naibabalik – DOE

Manila, Philippines – Naibalik na ang suplay ng kuryente sa mahigit 700 kabahayang naapektuhan ng bagyong Usman.

Ayon kay Energy Spokesperson Undersecretary Wimpy Fuentebella, katumbas ito ng 87 pursyento mula sa mahigit 800-libong households na apektado ng bagyo sa Bicol Region at Visayas na saklaw ng distribution facilities.

94 na munisipalidad naman na ang naibalik na ang suplay ng kuryente mula sa 121 bayan na apektado ng bagyo o katumbas ng 78 pursyento.


Habang nasa 2711 barangay naman na ang na-restore mula sa 3826 na barangay na apektado ng bagyo.

Sinabi Fuentebella na mabilis ang naging restoration sa kuryente sa mga nabanggit na lugar dahil sa magandang panahon.

Facebook Comments