KUSINERO, NAHULIHAN NG PHP 340K NA SHABU

Arestado ang isang 30 anyos na kusinero mula Dingras, Ilocos Norte, matapos makuhaan ng 50 gramo ng shabu.
Isinagawa ang buy bust operation ng awtoridad sa Candon City sa probinsiya kung saan ito nahuli. Nagkakahalaga ng 340,000 ang nasamsam na illegal na droga mula sa suspek.Nasampahan na ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments