Manila, Philippines – Iginiit ni Presidential Communications Sec. Martin Andanar na dapat ay nasa gobyerno ang kustodiya ng menor de edad na testigo sa pagkakapatay kay Kian Loyd delos Santos.
Ayon kay Andanar, lahat ng mga testigo sa mga kaso ay dapat napupunta sa gobyerno lalo na kung isinailalim ang mga ito sa Witness Protection Program.
Dagdag pa ni Andanar, kahit na banal na lugar ang simbahan kailangan pa ring sundin ang batas at ang tamang proseso sa nasabing usapin.
Pero hindi naman binanggit ni Andanar kung hihingin ba ulit ng gobyerno ang kustodiya ng mga testigo.
Una nang humiling ng church custody ang ama ng 13 anyos na testigo sa Kian slay case kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David matapos makipagpulong ang kanyang anak sa obispo.
Kabilang din ito sa mga ipinatawag ng Senado para tumestigo na binigyan ng baril at pinatay ng mga pulis si Kian.