Kustomer na Lasing, Binukulan ng Dalawang Bading

*Cauayan City, Isabela*- Iniatras na ng isang lalaki na biktima ng pagpukpok ng matigas na bagay ng dalawang (2) miyembro umano ng LGBTQ pasado 1:00 kaninang madaling araw sa isang Bar sa Quezon St. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Wayland Mones, 38 anyos, binata, isang driver at residente ng Brgy. Labinab habang ang mga nambugbog ay nakilalang sina John Paul Ponce, binata, residente ng San Fermin at si Jonard Ladisla, kapwa 26 anyos at pawang mga waiter.

Ayon sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, umiinom ang biktima sa nasabing bar at ilang sandali pa ng kausapin ito ng mga waiter dahil sa lango na ito sa nakalalasing na inumin subalit nauwi ito sa matinding pagtatalo hanggang sa kumuha ng matigas na bagay ang dalawang suspek at hinampas ang biktima na nagresulta ng pagkasugat sa kanyang ulo.


Napagkasunduan naman ng magkabilang panig na sasagutin na lamang ng mga suspek ang pagpapagamot ng biktima hanggang sa mga gagastusin nito sa mga gamot.

Paalala naman ng pulisya na hangga’t maaari ay kontrolin ang emosyon para makaiwas sa kahit anumang gulo.

Facebook Comments