Kuta ng mga Abu Sayyaf, sinimulan nang atakehin

Sinimulan na ng tropa ng pamahalaan ang pag-atake sa mga lugar na pinagkukutaan ng bandidong Abu Sayyaf Group.

Ito ay alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na bombahin ang mga kalaban ng estado matapos ang magkasunod na pagsabog sa Jolo, Sulu.

Ayon kay General Divino Rey Pabayo Jr., pinuno ng Joint Task Force Sulu, bilang pagtalima sa utos ng Pangulo, binomba at kinanyon ang mga kuta ng rebeldeng grupo sa bayan ng Patikul.


Aniya, hindi sila titigil hanggang hindi napupulbos ang Abu Sayyaf Group.

Facebook Comments