Ito ay matapos ang nangyaring dalawang oras na bakbakan sa pagitan ng kasundaluhan at humigit kumulang 40 miyembro ng Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley noong Enero 29, 2022.
Matatandaang isang mataas na opisyal ng komunistang grupo ang nagbigay ng impormasyon hinggil sa pagtitipon ng rebeldeng grupo upang pagplanuhan umano ang nalalapit na anibersaryo at ang halalan 2022.
Sinabi ni BGen. Steve D Crespillo, ang Brigade Commander ng 501st Infantry Brigade na nagpapatuloy pa rin ang kanilang paghahanap sa lugar at pagtugis sa mga armadong grupo matapos abandonahin ng makakaliwang grupo ang kanilang kampo habang nangyayari noon ang labanan.
Ayon pa sa heneral, hindi titigil ang hanay ng kasundaluhan sa paghahanap sa mga NPA sa harap ng kanilang natatanggap na impormasyon mula sa komunidad.
Bukod pa rito, inabandona ng 38 communist group supporters ang makakaliwang grupo sa bayan ng Sta. Teresita kung saan 27 na mga tagasuporta ay mula sa Barangay Alucao habang 11 sa Barangay Aridowen.
Ginawang talikuranng mga supporters ang komunistang grupo upang magbalik loob sa pamahalaan matapos ang nangyaring engkwentro.
Ayon sa kanila, kinikikilan sila ng pagkain ng mga rebeldeng grupo gayundin ang iba pang mga pangangailangan.
Sinabi naman ni MGen. Laurence E Mina, ang Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army na hindi sila titigil na tuntunin ang pinagkukutaan ng mga teroristang grupo at papanagutin ang mga ito ng naaayon sa batas upang maprotektahan ang publiko laban sa CPP-NPA.