Kuwait government, maaari naman i-exempt si PRRD sa travel ban, ayon sa Palasyo

Itutuloy ni Pangulong Rodrigo Duterte ang balak niyang pagpunta sa bansang Kuwait para hilingin sa gobyerno doon na ipataw ang maximum sentence na death penalty para sa mga employer ng OFW na si Jeanelyn Villavende.

Matatandaang nakaditine na ang mga employer na inaakusahan ng sexual abuse, torture at pagpatay sa Pinay OFW.

Sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, kahit pa may travel ban sa Kuwait para sa ilang mga bansa kabilang ang Pilipinas dahil sa COVID-19, may paraan pa rin para makapunta si Pangulong Rodrigo Duterte doon.


Sa ngayon hindi pa masabi ni Secretary Panelo kung kailan gagawin ng Pangulo ang pagpunta sa Kuwait.

Facebook Comments