Kuwait Ministry of Foreign Affairs, umapela sa Pilipinas na alisin ang suspensyon ng deployment ng mga OFW sa kanilang bansa

Manila, Philippines – Hiniling ng Kuwaiti Foreign Affairs Ministry sa gobyerno ng Pilipinas na alisin na ang pansamantalang suspensyon sa pagpapadala ng mga Overseas Filipino Worker doon.

Sa kanilang pulong, tiniyak ni Philippine Ambassador to Kuwait Renato Pedro Villa Jr. kay Kuwaiti Assistant Foreign Minister for Consulate Affairs Ambassador Sami Abdulaiz Al Hamad na tanging mga first-time OFW ang saklaw ng kautusan at hindi kabilang ang mga nagbabakasyon na ofw at mga dati nang may kontrata.

Una nang inilabas ng Department of Labor and Employment ang administrative order no. 25 na nagsususpinde sa pag-proseso ng overseas employment certificates para sa deployment ng OFWs sa Kuwait.


Mananatili ang suspension habang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa pagkamatay ng pitong OFW sa Kuwait noong nakaraang taon.

Facebook Comments