Kuwait’s Crown Prince, nakipagpulong kay PBBM sa sidelines ng 2023 ASEAN-GCC Summit sa Saudi Arabia; labor relation ng dalawang bansa, sumetro sa bilateral meeting

Nagkaroon ng bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at crown prince ng Kuwait na si Sheikh Mishal Al-Ahmad Al-Jaber Al-Sabah sa sidelines ng 2023 ASEAN-GCC Summit sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon sa Presidential Communications Office, sumentro ang pag-uusap ng Pangulong Marcos at ng crown prince ng Kuwait sa labor relation sa pagitan ng dalawang bansa.

Nabatid na mismong ang crown prince ng Kuwait ang humiling ng bilateral meeting kay Pangulong Marcos.


Bukod doon ay wala nang iba pang detalye ang nasabing pagpupulong.

Buwan ng Mayo nang suspendihin ng Kuwait ang kanilang visa entry sa lahat ng bagong OFW na papasok sa kanilang bansa bunsod ng gulo sa pagitan ng oil-rich gulf state at isyu sa karapatan ng mga Pinoy workers doon.

Una na ring sinuspendi ng bansa noong Pebrero ang deployment para sa mga first time domestic worker sa Kuwait matapos ang kaso ng pagpatay at pagsunog sa katawan ng Pinay domestic worker na si Jullebee Ranara.

Facebook Comments