Kwalipikadong Magsasaka sa Cagayan, Tumanggap ng Alagaing Baka mula sa DA

Cauayan City, Isabela- Umabot sa kabuuang 45 alagang baka ang naipamahagi ng Department of Agriculture (DA) region 2 sa ilang magsasaka mula sa bayan ng Solana at Tuao, Cagayan.

Ito ay bahagi ng Expanded Livestock and Poultry Livelihood Program ng ahensya bilang agarang tugon sa mga magsasakang naapektuhan ng pandemya at tagtuyot.

Kaugnay nito, 25 baka ang naibigay sa Tuao West Cattle Raisers Association at 20 sa Western Light Marketing Cooperative sa Barangay Lannig, Solana.


Ayon kay Regional Executive Director Narciso Edillo, dumaan sa criteria ng ahensya ang nasabing kooperatiba kung saan kabilang sila sa dalawang bayan na napiling mabigyan ng tulong.

Nagpasalamat naman ang Lokal na Pamahalaan ng Solana at Tuao sa mga programang ginagawa ng ahensya at kanilang pagtitiyak na hindi masasayang kundi papaunlarin pa ang mga naibigay na tulong.

Facebook Comments