Kwalipikasyon sa Search for Hometown Heroes na inilunsad ng BCYF at Rotary International District 3830, inilatag

Pormal nang binuksan ng pinagsanib na pwersa ng BCYF o Benita and Catalino Yap Foundation at Rotary International – District ang paglulunsad ng Search for Hometown Heroes.

Ayon kay Mildred Vitangcol, District Senior Assistant for Service Projects ng Rotary International District 3830, bukas ang nasabing contest sa kahit na sinong Pilipino.

Aniya, wala itong age limit basta’t ang aplikante ay kailangang


may aktibong proyekto sa komunidad sa loob ng limang taon.

Ang deadline ng aplikasyon ay sa October 31, 2019 at ang awarding ay sa November 26, 2019.

Maaari ding i-check ang kanilang facebook page na Rotary PSA Festival.

Kinumpirma naman ni Morena Canizares, Deputy Assistant Governor for Service Projects ng rotary, marami silang mga nakalinyang proyekto lalo na sa mga kabataan.

Kabilang aniya rito ang pagtatanim ng 3 milyong punongkahoy sa ilang lugar sa Luzon kabilang na ang 25-Ektaryang lupain sa General Tinio, Nueva Ecija.

Ang Radio Mindanao Network ay ang official media partner ng BCYF o Benita and Catalino Yap Foundation sa mga adbokasiya nito.

Facebook Comments