Cauayan City, Isabela- Hinandugan ng mga kapulisan ng PNP Cabarroguis ng isang disenteng silid ang isang dalagita sa ilalim ng kanilang Project DAMAYAN sa Barangay Banuar, Cabarroguis, Quirino.
Napili ng kapulisan si Ariane M De Jesus bilang benepisyaryo ng “Kwarto ni Neneng” na proyekto ng PNP Cabarroguis.
Layunin ng programang mabigyan ng disente at pribadong silid ang mga babaeng miyembro ng pamilya upang masiguro ang kanilang kaligtasan sa anumang pang-aabusong maaaring maganap sa loob ng tahanan.
Naging matagumpay naman ang nabanggit na proyekto sa tulong ng lokal na pamahalaan ng Cabarroguis at Municipal Advisory Council (MAC) ng Cabarroguis Police Station.
Bukod pa rito, namigay rin ang mga kapulisan at mga katuwang na stakeholders ng mga pangunahing pangangailangan sa mga mahihirap na pamilya sa nabanggit na bayan.
Facebook Comments