
HIndi ikinagulat ni House Deputy Minority Leader At Mamamayang Liberal Party-List Rep. Leila de Lima ang anunsyo ni Vice President Sara Duterte na tatakbo syang pangulo sa 2028 elections.
Pero giit ni De Lima, dapat magpaliwanag, harapin at sagutin muna ni VP Sara ang kwestyunableng paggastos ng confidential funds bago ito mag-ambisyon na maging pangulo ng pilipinas.
Ayon kay De Lima, karapatan naman ni VP Duterte na magdeklara kahit napakaaga.
Gayunpaman, binigyang-diin ni De Lima na karapatan din ng mga Pilipino na singilin sya sa mga seryosong alegasyon ng katiwalian at paglabag sa batas.
Facebook Comments










