KWINESTYON | Dating PNoy, iginiit na walang dapat hatian sa oil and gas exploration sa WPS

Manila, Philippines – Kwinestyon ni dating pangulong Noynoy Aquino ang 60-40 percent na hatian sa joint exploration ng natural gas sa West Philippine Sea.

Ito ay matapos sabihin ni Foreign Affair Secretary Alan Peter Cayetano na bukas ang China sa hatian kung saan mas malaking parte ang mapupunta sa Pilipinas.

Ayon kay Aquino, walang dapat usapin ng hatian dahil pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas ang pinagtatalunang teritoryo.


Facebook Comments