HALALAN | Barangay at SK Elections sa Marawi City, itinakda na sa Sept. 22

Itinakda na sa September 22 ang napostpone na 2018 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Marawi City, Lanao del Sur.

Ito ang sinabi ni Commission on Elections (COMELEC) Spokesperson James Jimenez matapos ang isinagawang assessment ng poll body sa naturang lugar.

Ayon kay Jimenez, sisimulan naman sa August 17 hanggang September 29 ang election period at corresponding prohibitions, tulad ng gun ban.


Habang ang campaign period ay magsisimula sa September 12 hanggang 20.

Matatandaang noong Enero nang maglabas ang COMELEC ng resolusyon na kailangang matuloy ang Barangay at SK election sa Mindanao, maliban sa Marawi City ang sagupaan sa pagitan ng tropa ng gobyerno at Maute group.

Facebook Comments