Barangay Ginebra, itinanghal na kampeon sa PBA Governor’s Cup

70

Muling nasungkit ng Barangay Ginebra ang kampeonato sa PBA Governor’s Cup finals matapos na ilampaso ang Meralco Bolts sa score na 103-92.

Nadomina ng Ginebra ang best of seven finals ng makalamang sa serye ng 4-2.

Nanguna sa Ginebra si Justine Brownlee na nakagawa ng 24 puntos at 16 na rebounds.


Nakagawa naman si LA Tenorio ng 30 points habang mayroong 19 points at 13 rebounds si Christian Standhardingers.

Tinanghal na Finals Most Valuable Player (MVP) si Scottie Thompson, na una nang kinilalang Best Player of the Conference at nag-ambag ng 15 puntos.

Ito na ang ika-apat na kampeonato ng Ginebra sa nakalipas na limang Governor’s Cup.



Facebook Comments