Kylie Verzosa, nabiktima ng “walang label” na relationship

210

Inamin ni Miss 2016 International Kylie Verzosa na nakaranas na siya ng isang relationship na walang label.

Say ng beauty queen/actress, nakakabaliw ang ganitong klaseng relasyon dahil parang kayo, pero parang hindi rin.


Dagdag pa ni Kylie, very confusing at nakaka-frustrate kapag hindi niyo alam kung ano ba talaga kayo ng ka-relasyon mo.

Samantala, natuto naman aniya siya sa kaniyang naranasan at dahil dito ay mas naging “better person” pa siya.

Siniguro naman ni Kylie na hindi niya ito naranasan sa boyfriend niya ngayon na si Jake Cuenca.

Facebook Comments