Presidential Anti-Corruption Commission Chairman Dante Jimenez, pumanaw na

215

Pumanaw na sa edad na 68-anyos si Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Chairman Dante Jimenez.

Kinumpirma ni Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) President Aresenio “Boy” Evangelista na binawian ng buhay si Jimenez, alas 9:43 kagabi dahil sa Aortic Aneurysm.


Nabatid na isinugod kagabi sa Chinese General Hospital ang opisyal matapos na sumama ang pakiramdam nito.

Kaugnay nito, humingi ng dasal si Evangelista para sa namayapang kaibigan.

Bago naging chairman ng PACC, si Jimenez ay nagsilbi rin chairman ng VACC na matapang na lumalaban sa krimen at korapsyon sa gobyerno.

Facebook Comments