Kyrie Irving, nagda-dalawang isip na lumipat ng koponan kapag umalis ng Cleveland ang teammate nitong si Lebron James

355

Manila, Philippines – Nagdadalawang isip ngayon si Kyrie Irving na lumipat sa ibang koponan kapag lumipat din ang kasamahan nito na si Lebron James.
Ito ay kasunod ng balitang hindi na itutuloy pa ni James ang kaniyang kontrata pagdating ng 2018 matapos sumama ang loob makaraang umalis ng Cleveland Cavaliers ang General Manager na si David Griffin.
Nabatid na ngayon pa lang ay kinausap na rin ni Irving ang mga dating kasamahan nito sa team usa para sa nasabing plano.
Puno naman ng kaba ang mga fans ng Cavs sa mga nangyayari at mga spekulasyon na umiikot kamakailan patungkol sa kanilang koponan dahil hindi lang kay James at Irving nagtatapos ang mga haka-haka maski si Kevin Love ay sentro rin ng mga trade humors.
Matatandaan na una namang nag-renew ng kani-kanilang kontrata ang mga nba superstars na sina Kevin Durant ng Golden State Warriors at Dwayne Wade ng Chicago Bulls.

Facebook Comments