Kim Domingo, excited na sa paglabas ng kaniyang photobook at ang resulta ng 100 sexiest women ng men’s magazine

1161

Manila, Philippines – Bless daw ngayon ang actress na si Kim Domingo na mapabilang sa listahan sa 100 sexiest women sa isang men’s magazine.
Dahil dito, excited na din siya sa ilalabas na photobook niya sa mga susunod na araw kung saan ito na daw ang kaniyang regalo sa mga fans.
Sa nasabing photobook, tampok dito ang kaniyang naging journey para maging isang celebrity mula sa pagiging modelo , on-line sensation hanggang sa maging artista.
Bukod sa photobook, kinakabahan din ang sexy star sa ilalabas na resulta ng men’s magazine sa darating na Hulyo.
Mapapanood naman ang aktres sa afternoon primetime drama na D’ Originals, kasama si Jacqlyn Jose at LJ Reyes.

Facebook Comments