KZ Tandingan, may buwelta sa mga bashers

46

Showbiz – Binuweltahan ng singer na si KZ Tandingan ang ilang mga bashers niya na pumupuna sa kaniyang pananamit.

Sa post niya sa kaniyang social media account, sinabi ng singer na hindi dapat ikumpara siya sa iba dahil may sarili siyang istilo bilang mang-aawit.

Ang pagiging “maximalist” na istilo naman raw niya ay isang pamamaraan para ipakita ang kaniyang nararamdaman.

Nirerespeto naman raw niya ang mga opinyon ng ibang tao at ang ayaw lamang niya ay ang pagdikta sa kaniya kung ano ang kaniyang isusuot.

Facebook Comments