KZ Tandingan, naging madamdamin sa pagkanta ng Mandarin song

Naging emosyonal ang pagkanta ni KZ Tandingan ng Mandarin song na Pain You Never Know sa ikaanim na episode ng Singer 2018, isang sikat na Chinese Singing Competition sa CHina.
Sabi ni KZ sa kanyang Facebook post na ito ang pinaka-challenging na naranasan niya sa loob ng anim na taon niyang pagiging singer.
Sa loob ng dalawang linggo lamang inaral at natutunan ni KZ ang kanta.
Pasok sa ika-anim na pwesto si KZ kung saan si Hua Chenyu ang pumalit sa kanyang unang pwesto. Pumangalawa si Jessie J na kumanta naman ng Purple Rain. Pasok pa rin bilang contender si KZ.

Facebook Comments